Miyerkules, Hulyo 12, 2017

Ang paglaganap ng Fake news sa social media

       Sa kasalukuyan balita ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng nakakarami. At maraming paraan kung paano makalaganap ng balita katulad ng social media, news paper, magasin at iba pa. Dito makikita ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa at maging sa buong mundo.
       Nagbibigay ang balita ng kaalaman sa mga matanda higit lalo sa mga kabataan. Nakakatulong din ito sa pag-aaral ng mga kabataan. Ngunit maraming lumalaganap na fake news lalo na sa social media. Maraming gumagawa ng ads na hango sa salungat na tunay na nangyari, isang balita o impormasyon na inimbento lamang. Ang fake news ay isang impormasyon kung malisyosong iniliko o binaluktot ang pahayag o sinabi ng isang tao. O kaya ay pumulot lang ng isang bahagi ng kanyang mga sinabi at siyang pinalaki upang "mapasama" ang isang tao o kaya ay "mapabango" ito. Fake news din ang isang pagpapalabas at pagpapakalat ng maling survey o maling mga detalye o data. At maituturing ding fake news kung ibinabalita bilang facts ang isang opinyon lang ng isang tao, lalo na kung hindi naman awtoridad o eksperto ang nasabing indibidwal sa isyung nilalapatan niya ng opinyon.
          Ginagawa, sinasadya at ipinapakalat ang maling impormasyon para pagmukhain itong balita dahil sa masamang intensyon na magpakalat ng mali at paniwalain sa mali ang sinuman. Kadalasang mayroong tao o grupo na gustong sirain o kaya ay mayroong gustong pabanguhin. Sa huli walang pakialam ang nagpakalat ng fake news kung mali man ang kanyang impormasyon dahil ang mahalaga lang naman ay makalikha ng impresyon sa tao at mapaniwala ang publiko.

Narito ang mga ilang katanungan kung nagaalinlangan ka sa isang balita sa social media:
  • Sino ang gumawa nito ?
  • Sino ang target awdiyens ?
  • Sino ang nagbayad para sa mga ito ? O sino ang mababayaran kapag nag-click ka dito ?
  • Sino ang maaaring makinabang o mapinsala ng mensaheng ito ?
  • Ito ba ay kapani-paniwala ?
         Ang balita ay may napalalaking impluwensya sa buhay ng tao. Ang balita ang nagsisilbing mata ng mamamayan upang makita o malaman ang mga pangyayari na nagaganap sa ating bansa. Kaya naman mahalaga na maging isang mabusisi ang isang gumagamit ng social media sa pag click ng ads at wag maniniwala agad sa balita na maaaring hindi totoo o isang fake news. Maaaring maghanap ng ibang impormasyon na patungkol sa nakitang balita upang maging sigurado sa nalamang balita, dahil maaaring maimpluwensyahan o makasakit tayo ng tao na hindi naman tunay na ginawa niya ang isang bagay na iyon. Kung madaling maniwala ang isang tao sa mga bagay bagay ay hindi siya matalino, ang isang matalinong tao ay isang critical thinker.


references:(common sense media and abante)